Bakla at Muslim Pilipino: Tungo sa malayang kapayapaan

Paul Mark ”Mohammed Amir“ Andres

Abstract


Introduction (Panimula): Ang Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao ay nagpapaigting sa kaparatan ng mga tao tulad ng katutubo at higit sa lahat ay mga muslim. Ang muslim ay ang tumatalima sa Islam at katuruan nito sa pamamagitan ng pagtanggap o pagsasaksi ( ٱلشَّھَادَة ) sa kaisahan ( توحید ) ng Allah ( سُبْحَانَھُوَتَعَالَى ) at bunga nito ang isang muslim ay nagiging bahagi ng relihiyon ( دین ) ng kapayapaan sapagkat ang kapayapaan sa arabe ( سلام ) ay nag mula sa kaparehas na salitang ugat ng Islam, ang ( سِلم ). Ngunit paano bibigyan ng mukha ang kapayapaan sa mga baklang sasailalim sa rehiyong ito sa kulturang hindi hinihikayat (Haram) ang pagpapahayag (gender expression) ng pagiging bakla?

Objective (Layunin): Ang pananaw sa bakla ay hindi basta salita bagkus ay isang buong pananaw (holistikong pagtingin sa tao) o pilosopiyang nakapaloob sa kulturang Pilipino na maaring magamit upang maging tulay sa pilipinong kultura ng mga muslim na huhubog sa ating sariling karanasan ng totoong kapayapaan ang malayang kapayapaan

Methodology (Pamamaraan): Ang papel na ito ay magtatangka na pagtalabin ang konsepto ng bakla sa konsepto ng Pilipinong muslim gamit ang pamamaraan at dulog ng paglalahad ng kasaysayan na may saysay (dulog ng Qasas قَصَص ) na may pagtindig sa tradisyon ni Ibn Khaldun ang pagsasaysay ng makatotohanang pagsasaysay na sa yaong dulog ay maaring magdulot ng tatlong bunga.

Result (Bunga): (1) una, ito ay maaring magpalalim sa pag unawa (Verstehen) sa bawat isa at maging daan tungo sa karanasan ng malayang kapayapaan dahil ang paggamit ng kultura sa talakayan ay nakaugat at mas malapit sa sariling kultura't pananampalatayang Pilipino (2) ang paggamit ng katutubong kultura ay maaring maging mas mabisa sa pagpapalaganap ng kapayapaan dahil malapit ito sa kultura ng taong tatanggap (3) ang katutubong kultura ay malilinang dahil kasabay ng pananampalatayang Pilipino ay magagamit ito sa pagtindig ng kapayapaan na naaayon sa konteksto at pananaw ng mga Pilipino

Conclusion (Tugatog): Sa pamamagitang ng paglalahad ng saysay sa kasaysayan makikita natin ang pagkakapareha ng katangiang bakla bilang banayad at mabuti na tumutugon sa katangian ng muslim bilang mabuti na may katangiang لِنْتَ at بِٱلْقِسْطِ na maaring magamit bilang tulay ng dalawan tradisyon.


Keywords


kapayapaan; queer theology; sexuality; relihiyon

Full Text:

PDF

Refbacks

  • There are currently no refbacks.


Print ISSN: 2704-3517; Online ISSN: 2783-042X